Dolomite Project sa Manila Bay, pinaiimbestigahan

Dolomite Project sa Manila Bay, pinaiimbestigahan

DAHIL sa paniniwalang pag-aaksaya lamang ng pondo at hindi nararapat ang proyekto, iginiit ni Senador Kiko Pangilinan ang pagsasagawa ng investigation in aid of legislation sa Manila Bay Nourishment Project o ang paglalagay ng dolomite sa bahagi ng Manila Bay.

“Napakaraming ibang dapat gastusan ng pera ng bayan, hindi ang white beach project sa Manila Bay. Lumampas na sa 380,000 ang COVID cases, marami nang dumaan na malalakas na bagyo, pero pinipilit pa rin na tama ito. Ang tanong: Kailangan ba talaga ito?” saad ni Pangilinan.

Sa tala, ang Manila Bay White Sand Beach ay ginugulan umano ng P389 milyon.

Sa kanyang Senate Resolution No. 565, tinukoy ni Pangilinan ang posibilidad ng environmental at public health hazards ng kontrobersiyal na Manila Bay project.

“This project is wasteful and unnecessary. Dapat ginamit ang milyon-milyong pondo para i-supplement ang ating pandemic health response, o kaya para sa distance learning gadgets at materials ng mga guro at estudyante. Pwede rin sanang cash aid para sa milyong mga Pilipino na nawalan ng trabaho ngayong pandemya,” diin ni Pangilinan.

Nkasaad sa resolusyon ang pagsiyasat sa posibilidad na nilabag sa proyekto ang Local Government Code; Philippine Fisheries Code; Wildlife Conservation Act; Environmental Impact Assessment System; Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees; at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“Hindi lang sa Manila Bay ang problema kundi na rin sa pagmimina ng mga dolomite sa Alcoy, Cebu na posibleng ikinasira ng mga coral reefs at pagkawala ng tirahan ng ilang endangered species. Sa madaling sabi, mas maraming problema pa itong dinala kesa solusyon sana,” dagdag pa ni Pangilinan.

“Sayang ang pera, parang pinaanod lang sa dagat,” diin pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: