Raket na caroling, tabla muna

Raket na caroling, tabla muna

Walang munang aasahan na raket ang mga batang Pinoy sa Metro Manila dahil sa desisyon ng mga alkalde na ipagbawal ang pangangaroling ngayong Kapaskuhan dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

Sinabi ni Metro Manila Council Chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na nagkakaisa ang lahat ng alkalde na sa pagbabawal nito at irerekomenda nila sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

“Mayors meeting last sunday. Unanimous wala muna caroling this year. Will recommend sa IATF,” ayon naman kay MMDA General Manager Jojo Garcia.

Una nang nagpatupad ng pagbabawal sa caroling ang mga lungsod ng Maynila at Quezon City na kinalaunan ay sinundan rin ng ibang siyudad.

Suportado rin ito ng Joint Task Force COVID Shield at maging ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi rin ng Department of Health (DOH) na malaki ang posibilidad ng hawahan ng mga nagkakaroling dahil sa pagtalsik ng laway ng mga miyembro ng grupo.

Kasalukuyang ipinagbabawal pa na lumabas ng mga tahanan ang mga batang may edad 14-anyos pababa na siyang palaging makikitang nagkakaroling sa mga nakaraang taon ngunit marami na ring matatanda ang gumagawa nito tuwing Disyembre.

Leave a Reply

%d bloggers like this: