Pfizer vaccine sigurado na sa mga Manilenyo

Pfizer vaccine sigurado na sa mga Manilenyo

Habang umaasa ang nasyunal na pamahalaan sa bakuna ng China, naging maagap si Manila City Mayor Isko Moreno nang agad makipagpulong sa mga opisyal ng United States based na Pfizer para makasiguro na makabibili ng sapat na suplay ng bakuna nila.

Matatandaan na inanunsyo ng Pfizer na epektibo na ng 90% ang kanilang anti-COVID-19 vaccine sa ikinasang 3rd phase clinical trials.

“Kakatapos lang po ng ating pakikipagpulong sa top executives ng Pfizer sa ating bansa upang kumuha ng update sa developments ng bakuna laban sa COVID-19,” ayon kay Moreno sa kaniyang Facebook post.

Naglaan na aniya ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng P50 milyon pondo na gagamitin sa pagbili ng bakuna sa naturang kumpanya.

“Muli nating ipinaalam sa kanila ang kahandaan ng Pamahalaang Panglunsod ng Maynila na bumili ng inisyal na P250 milyon (additional 50m) na halaga ng bakuna mula sa kanila para sa mga taga Maynila,” dagdag pa ng alkalde.

Tila baligtad naman ang Department of Health. Habang optimistiko si Moreno sa bakuna ng Pfizer, nanawagan ang DOH sa publiko na huwag masyadong itaas ang kanilang ekspektasyon sa potensyal na mga bakuna dahil sa nasa maagang ‘stages’ pa lamang umano ang ito.

“Itong bakuna ng Pfizer ay napaka-encouraging po, but we should temper our expectations and remain grounded on the reality na ginagawa pa lang ito,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Leave a Reply

%d bloggers like this: