Meralco ‘double time’ sa restoration

Meralco ‘double time’ sa restoration

Doble-kayod ang Manila Electric Company (Meralco) sa restoration works nito para maibalik ang suplay ng kuryente sa milyon-milyon nilang kustomer dahil sa bagyong Ulysses.

Umabot sa halos apat na milyong kustomer ng Meralco ang nawalan ng kuryente dakong alas-5 kahapon ng umaga. Bumaba ito sa 1.94 milyon dakong alas-12 ng tanghali dahil sa walang tigil na restorasyon at pagkukumpuni ng kumpanya sa kanilang mga poste at power lines.

“As the weather improves, you will see the number of customers that will have electricity continue to increase by that time we will already be able to restore in areas we will be capable of restoring facilities,” ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga.

Sinabi ni Zaldarriaga na labis na nakaapekto sa kanilang aksyon ang mga baha sa maraming lugar na kinailangang hintayin muna nilang humupa bago makapagserbisyo ang kanilang mga line personnel.

Humihingi rin ng pang-unawa ang Meralco sa mga customer dahil sa hindi pa makapagbigay ng tiyak na oras sa pagpapanumbalik ng kuryente sa mga nalalabing lugar dulot ng patuloy na sama ng panahon at kundisyon ng mga kalsada.

Samantala, malawakang ‘blackout’ rin ang naranasan sa maraming lugar sa Northern at Southern Luzon.

Sa advisory kahapon ng National Grid Corporation of the Phils (NGCP), 32 transmission lines sa Northern at Southern Luzon ang nasira ng bagyong Ulysses at patuloy ang isinasagawang restorasyon ng mga ito.

“Inspection and restoration of lines in the affected areas will be in full swing as soon as the weather allows,” ayon sa NGCP.

Walong transmission lines naman ang naibalik na ang operasyon. Kabilang dito ang: Batangas-Mabini 69 kilovolt(kV) Line; Lumban-Famy 69kV Line; Pitogo-Mulanay 69kV Line; Naga-Libmanan 69kV Line; Naga-Tinambac 69kV Line; Daraga-Ligao 69kV Line; Daraga-Legazpi 69kV Line; at Daraga-Sorsogon 69kV Line.

Leave a Reply

%d bloggers like this: