Mga Malls, umayuda sa pananalasa ng bagyong Ulysses

Mga Malls, umayuda sa pananalasa ng bagyong Ulysses

UMAYUDA ang iba’t ibang mall sa kanilang mga customer sa gitna ng pananalasa ng bagyong Ulysses sa pamamagitan ng pag-waive ng kanilang overnight parking fees.

Binuksan ng SM Supermalls ang kanilang mga sangay sa Luzon para sa mga stranded customers at iba pang residente at inalok din ang kanilang free WiFi at charging stations.

Bagama’t sarado ang mga Ayala Malls, bukas naman ito sa mga customer na nangangailangan ng masisilungan.

Kabilang dito ang sangay ng Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Marikina, Ayala Malls Cloverleaf, Harbor Point at Marquee.

Nag-alok din ang Robinsons Malls bilang temporary shelters partikular ang Robinsons Place Manila, Robinson Otis, Robinsons Place Antipolo, Robinsons Cainta, Robinsons Starmills Pampanga, Robinsons Angeles, Robinsons Place Malolos, Robinsons Tagaytay, Robinsons Luisita at Robinsons Metro East.

Handa rin ang mga mall sa pamamagitan ng kanilang mga foundation na magkaloob ng relief assistance sa mga apektado ng bagyo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: