Maliit na komisyon sa delivery, Food Panda riders nagprotesta

Maliit na komisyon sa delivery, Food Panda riders nagprotesta

Dahil umano sa kakarampot na komisyon sa bawat delivery, nagsagawa ng kilos-protesta ang nasa 50 motocycle riders ng delivery app na Food Panda sa harapan ng gusali ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Miyerkules ng umaga.

Alas-9 ng umaga nang mag-umpisa ang protesta ng mga food riders na suot ang kanilang rosas na uniporme at sakay ng kanilang mga motorsiklo sa DOLE building sa Intramuros, Maynila.

Kabilang sa reklamo nila sa pamunuan ng Food Panda ang maliit na halaga ng komisyon na ibinibigay sa kanila ng kumpanya dahil sa hindi umano patas na ‘grading system’ na ipinatutupad nito. Ipinatutupad ng mga delivery app ang grading system ng mga kustomer kung nagustuhan ang serbisyo ng isang rider. Ipinatutupad rin ito sa mga ride-hailing app.

Sa pahayag naman ng Food Panda, naipasabi na nila ang pagbabago sa sistem ang kanilang komisyon noong Hunyo pa. Ibinabase umano ito sa distansya ng paghahatiran ng food order na mas patas sa bawat rider base sa konsumo ng kanilang gasolina.

Sa kabila nito, nangako ang kumpanya na hahanap ng mga pamamaraan para matugunan ang reklamo ng kanilang mga riders.

Samantala, nangako naman si Labor Secretary Silvestre Bello III na makikipagkita sa mga riders at tatalakayin ang kanilang mga hinaing.

Leave a Reply

%d bloggers like this: