Pekeng mga produkto sa Lazada at Shoppee

Pekeng mga produkto sa Lazada at Shoppee

Umatake na naman ang mga abusadong negosyanteng Tsinoy makaraang matuklasan ang pagbebenta ng mga pekeng produkto sa pamamagitan ng mga online selling application dahilan para ipasara ni Manila City Mayor Isko Moreno ang dalawang bodega kanilang pinatatakbo sa Binondo, Maynila.

Kabilang sa mga ipinasara ay ang bodega na pinatatakbo ni Jerry Ong sa H. Fernando Street at ni Johnson Sy sa may Caballeros Street sa Binondo.

Pinangunahan nina Bureau of Permits director Levi Facundo at Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) chief Police Major Rosalino Ibay ang pagsalakay sa dalawang establisimiyento.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Permits, natuklasan na marami sa mga produktong nakaimbak dito ay mga peke at ibinibenta sa pamamagitan ng mga online selling platforms tulad ng Lazada at Shoppee.

Bigo rin ang dalawang negosyanteng Tsinoy na makapagpakita ng business permit para mag-wholesaler at occupational permits para sa kanilang mga tauhan. Bukod dito, wala ring lisensya para makapag-operate ang dalawan buhat naman sa Food and Drugs Authority (FDA).

“Hindi kayo pwedeng siga dito, dayo lang kayo dito. Hindi kayo pwede mag hari-harian dito sa Maynila,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga produktong naabutan sa bodega ay mga pekeng shampoo, lotion, body wash, bath bombs na may tatak ng mga kilalang brands dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: