OFW na walang trabaho sa Pilipinas, dapat sumubok ng online jobs

OFW na walang trabaho sa Pilipinas, dapat sumubok ng online jobs

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi ng bansa at walang hanapbuhay ngayon dahil sa pandemya na sumubok na lamang ng mga ‘online jobs’ na praktikal at ligtas ngayon.

Sinabi ni Ann Kristine Peñaredondo, ng DOLE-Institute for Labor Studies sa isang webinar sa Singapore, na maaaring kumita rin ng sapat ang mga OFWs sa pamamagitan ng virtual jobs habang nasa loob ng bahay kung saan ligtas sa pangamba na mahawahan ng virus.

Kabilang sa mga trabaho ng mga kuwalipikadong OFWs ang pagiging writers, accountants, bloggers, advertisers, bookkeepers, coders, software engineers, illustrators, viodegraphers o kaya naman ay magtayo ng sariling negosyo.

Samantala, iniulat ng DOLE na aabot na sa 320,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang napauwi sa kanilang mga tahanan ng pamahalaan makaraang maapektuhan ng pandemya ang kani-kanilang mga hanapbuhay.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ngayong buwan ay may 38,516 OFWs ang nakalapag na ng Pilipinas at napauwi sa kanilang mga bayan o probinsya sakay ngmga bus o eroplano.

Ito ay makaraan na sagutin rin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang gastos sa tinuluyang mga hotel at pagkain ng mga OFWs habang naghihintay ng resulta ng kanilang COVID-19 tests bago mapauwi sa kanilang mga tahanan.

“There is no stopping the government from extending the assistance to our dear OFWs. We have also enhanced our livelihood programs for the reintegration of our returning heroes,” ayon kay Bello.

Leave a Reply

%d bloggers like this: