Ramon Ang ng San Miguel Corp. nag-sorry

Ramon Ang ng San Miguel Corp. nag-sorry

Humingi ng patawad si San Miguel Corporation president at chief-executive-officer Ramon Ang sa publiko at biktima ng pagbagsak ng crane ng itinatayong Skyway Stage 3 Project sa Muntinlupa City.

“Even with a contractor handling construction, ultimately, we are responsible for the welfare of those who were affected. I would like to personally apologize to the victims and their families, as well as to our larger community in Muntinlupa,” ayon kay Ang.

Tiniyak rin niya na sasagutin nila lahat ng gastusin ng isang nasawi at apat na sugatan sa insidente.

Magsasagawa naman ng sariling imbestigasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa pagbagsak ng crane upang mabatid kung sumusunod sa ‘labor standards’ ang contractor nito.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kabilang sa aalamin nila ay kung sumusunod sa ‘occupational safety at health standards’ ang proyekto kasunod ng pagbagsak ng mga bahagi ng crane sa Muntinlupa City na nagresulta sa pagkasawi ng isang tao at pagkasugat ng apat pang iba.

“If we find out that they are not compliant, there could be liabilities,” ayon kay Bello.

Kabilang dito ang posibleng pag-iisyu ng pagpapatigil ng konstruksyon kung kinakailangan. Nabatid na ang EEI Corp. ang kontraktor ng naturang proyekto na nasa ilalim ng concessionaire na San Miguel Corp.

Sa kasalukuyan, naghihintay pa si Bello ng ulat mula sa kaniyang mga ‘field personnel’ na ipinadala sa konstruksyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: