Lahar sa Pampanga, hinahakot

Lahar sa Pampanga, hinahakot

Iniimbestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang operasyon sa iligal na quarrying ng lahar sa Pampanga makaraang madiskubre ito at madakip ang 12 tao sa bayan ng Mabalacat.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge Eric Distor angmga nadakip na sina John Patrick Reyes, Jhun Murillo, Francis Pangilinan, John Michael Malias, Egilberto San Pascual, Ronald Linsangan, Edcel Ruiz, Vincent Canlas, Aldin Anson, Jomar Nazar, Christopher Moreno at Joel Ong, pawang mga tauhan ng Guillermo Gamez Quarry.

Ayon kay Distor, nakatanggap ng intelligence report ang NBI-Environmental Crime Division (EnCD) ukol sa nagaganap na quarrying sa Mabalacat City ng walang sapat na mga permiso. Agad na tiniktikan ng mga ahente sa lugar at nadiskubre ang ginagawang paghahakot ng lahar sa may Brgy. Sapang Balen, sa Mabalacat.

Nabatid rin buhat sa Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau 3, Environmental Management Bureau 3, and Provincial Environment at Natural Resources Office – Pampanga na walang awtorisasyon at kaukulang permits ang Guillermo Gamez Quarry para mag-operate.

Nobyembre 19 nang magkasa ng operasyon ang NBI at ang DENR-MGB 3 na nagresulta sa pagkakaaresto sa 12 tauhan ng quarrying company na naaktuhan sa lugar na naghahakot ng lahar.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 103 (Theft of minerals) at Section 110 (other violations) sa ilalim ng Republic Act 7942 o ang Philippine Mining Act of 1995 ang mga dinakip na suspek.

Leave a Reply

%d bloggers like this: