Mga tiangge, ipasasara kung di susunod sa protocols

Mga tiangge, ipasasara kung di susunod sa protocols

NAGBABALA ang Malakanyang na ipasasara nila ang mga tiangge kung hindi susundin ang mga health protocol laban sa pagkalat ng COVID 19.

Ito ay kasunod ng mga ulat na hindi na nasunod ang social distancing sa mga mamimili sa Divisoria, Manila.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kahit ang mga tiangge ay dapat na magkaroon ng limit sa mga papasuking mamimili.

“Iri-remind ko lang po ang mga tiangge operators, maaari po kayong mapasara kapag hindi n’yo po in-observe ang social distancing,” pahayag ni Roque.

Ipinaalala pa ni Roque na nasa kamay na ng mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng health protocols sa gitna ng Christmas rush.

“Alam nating kinakailangang mamili para sa Pasko pero ingatan naman natin ang ating mga sarili hindi lang para sa hanapbuhay kung hindi para tayo ay magkaroon ng maligayang Pasko dahil kapag kayo ay nagkasakit, nasaan ang Merry Christmas?” diin ni Roque.

Leave a Reply

%d bloggers like this: