Distribusyon ng tablets sa Caloocan, umarangkada na

Distribusyon ng tablets sa Caloocan, umarangkada na

Nag-umpisa na ang pamimigay ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng mga libreng tablets para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa lungsod na magagamit sa kanilang online class.

Pinangunahan ng mag-amang sina Mayor Oscar Malapitan at 1st District Congressman Dale “Along” Malapitan ang distribusyon ng mga tablets para sa mga mag-aaral mula Grade 9 hanggang Grade 12.

Photo c/o Caloocan PIO

Inumpisahang ipamigay ang mga gadgets sa mga magulang ng mga mag-aaral na Grade 11 at Grade 12 ng Bagong Barrio Senior High School, Caloocan High, School, Tandang Sora Integrates High School, Caloocan City Science High School, at MB Asistio High School.

“Ang proyektong ito ay pinagsikapang maisakatuparan ng ating Pamahalaang Lungsod upang makatulong sa ating mga mag-aaral kaugnay ng ipinatutupad na blended distance learning,” ayon kay Mayor Malapitan.

“Tayo ay nagpapasalamat sa mga bumubuo ng ating Pamahalaang Lungsod, sa Schools Division Office (SDO) ng Caloocan na pinangungunahan ni Dr. Nerissa Losaria. Salamat sa pagiging katuwang natin sa pagsusulong na magbigay ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral sa lungsod bagamat tayo ay nasa gitna ng pandemya,” dagdag pa ng alkalde.

Kasama rin namahagi ng mga tablet sina Coun. Karina Teh, Coun. Vince Hernandez, Coun. Obet Samson, Coun. Lanz Almeda, Coun. LA Asistio, Engr. Arnold Divina, at Kap. Melvin Rufino.

Photo c/o Caloocan PIO

Leave a Reply

%d bloggers like this: