Job Orders sa Maynila, tiyak na ang pamasko

Job Orders sa Maynila, tiyak na ang pamasko

May pambili na ng handa ang mga job order na empleyado ng Manila City Hall makaraang maglaan na ng pondo si Mayor Isko Moreno para sa kanilang cash gift na P5,000 kada isa.

Sa ilalim ng Ordinance No. 8701, magbibigay ng P5,000 financial assistance ang Pamahalaang Lungsod sa bawat mangagagawang nasa ilalim ng job order contracts, at contact of service (COS).

Manggagaling ang pondo sa Maintenance and Other Operating Expenses(MOOE) accounts sa ilalim ng 2020 Executive Budget.

Sinabi ni Isko na ang tulong-pinansyal ay upang makaagapay sa mga naturang empleyado na walang permanenteng posisyon sa lokal na pamahalaan ngayong panahon ng krisis.

Sa ilalim ng batas, tanging mga regular na empleyado at mga may ’employer-employee relationships’ lamang ang mabibigyan ng 13th month pay.

“Presidential proclamations enjoined all government agencies and local government units (LGUs) to render full assistance to and cooperation with each other and mobilize the necessary resources to undertake critical, urgent and appropriate disaster response aid and measures in a timely manner to curtail and eliminate the threat of COVID-19,” ayon kay Moreno.

Leave a Reply

%d bloggers like this: