Kahit na tinawag na “mukhang pera”, Gordon naniningil pa rin kay Duterte

Kahit na tinawag na “mukhang pera”, Gordon naniningil pa rin kay Duterte

Kahit na tinawag nang “mukhang pera”, patuloy pa rin sa paniningil si Philippine Red Cross (PRC) chairman Senator Richard Gordon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa balanse ng utang nito na aabot pa sa P571 bilyon.

Ito ay kasabay ng pag-amin ni PRC chairman Senator Richard Gordon na nagbabayad naman ang pamahalaan ng P100 milyon kada 10 araw para sa utang sa ginamit na COVID-19 RT-PCR test kits.

“At least nagababayad na ngayon. Nahihirapan din kami. Kahapon, may dumating – ang supply ng test kits, P200 million,” ayon kay Gordon sa DZMM Teleradyo.

Nakipagtawaran na rin umano ang PRC sa kanilang supplier ng RT-PCR test kits sa China para maibaba sa P3,409 ang halaga ng bawat test kits upang hindi lumagpas sa itinakdang P3,800 na presyo ng Department of Health (DOH) na nagpataw ng price cap sa swab test kits.

Nasa P4,800 ang presyo ng PRC sa bawat testing kits na ginagamit sa mga dumarating na overseas Filipino workers (OFWs) bago ang implemetasyon ng price cap.

Planong ibaba ito ng PRC sa P3,300 ngunit inisyal na pepresyuhan nila ito sa P3,800 base sa price cap. Mas magiging mataas ito kung nagmamadali ang isang OFW na maisalang sa test at lumabas ang resulta.

Leave a Reply

%d bloggers like this: