Shoppee at Lazada nagbebenta ng Sto. Nino na bawal pala

Shoppee at Lazada nagbebenta ng Sto. Nino na bawal pala

Kinalampag ng isang pari sa Tondo, Maynila ang mga online seller at mga mamimili na huwag tangkilikin ang pagbebenta ng mga imahe ng Santo Niño na may bitbit na pera o barya na hindi aprubado sa Simbahan.

Ito ay makaraan na mapag-alaman ang ginagawang pagbebenta ng ilang negosyante sa kanilang mga tindahan at maging sa mga social media market at online platforms tulad ng Shoppee at Lazada ng mga imahe ng Sto. Niño.

Tinatawag ito ng mga online seller na Sto. Niño dela Suerte at Sto. Niño dela pera.

Ayon sa isang seller ng Lazada: “The Santo Nino de la Suerte (of luck) comes equipped with a purse, into which some people put currency, hoping for prosperity.”

Ngunit ayon kay Rev. Estelito Villegas, ang kura paroko ng Santo Niño Parish sa Tondo, Maynila, ang larawan o imahe ng batang Hesus ay hindi angkop para sa debosyon.

Hindi umano lucky charm ang Santo Niño na maaaring bitbitin ang mga salapi.

Hindi rin umano nila hinihikayat na magpabendisyon o magdebosyon ang mga Katoliko sa ganitong uri ng mga imahe.

Leave a Reply

%d bloggers like this: