Internet speed sa bansa, mas umunlad ngayong 2020- DICT

Internet speed sa bansa, mas umunlad ngayong 2020- DICT

Patuloy ang pag-unlad ng internet sa Pilipinas ayon sa November 2020 report ng Ookla-ang global leader sa mobile and broadband network intelligence, testing applications at technology.

Para sa fixed broadband, nakasaad sa latest report ang average download speed na 28.69Mbps na 262.71% increase mula sa dating download speed sa bansa na 7.91Mbps lamang noong Hulyo 2016.

Samantala, ang overall mobile network performance ay may average download speed na 18.49Mbps na 148.52% pagtaas kumpara sa dating download speed na 7.44Mbps noon pa ring Hulyo 2016.

Ang dire-diretsong pagtaas ng internet speed sa kabila ng COVID-19 pandemic ay dulot ng infrastructure roll-out at maintenance ng cell sites sa iba’t ibang lugar sa bansa na sinimulan nitong Marso 2020, ayon sa Department of Informations and Communications Technology (DICT).

Kapansin-pansin, ang magandang pagbabago ay nangyari din habang ang bansa ay bumabangon sa pinsala dulot ng mga bagyong “Ambo”, “Quinta”, Super Typhoon “Rolly” at Typhoon “Ulysses”.

Ito ay kasabay rin ng pagtaas pang lalo sa demand sa internet service ng mga telco dahil sa ‘work-from-home-schemes, online learning’ at mataas na demand sa online entertainment sa bansa.

Matapos rin ito ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga telcos na mapahusay ang kanilang serbisyo hanggang sa pagtatapos ng taong 2020. Inaasahan rin na mapaghuhusay pa ang internet speed sa kolaborasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan sa pagpapabilis sa pagkuha ng mga permit sa pagtatayo ng mas marami pang cell towers.

Ayon kay Globe President and CEO Ernest Cu, ang pagpapabilis ng proseso ng permits upang bigyang-daan ang telco industry na makapagpatayo ng mga kinakailangang imprastraktura upang mapaunlad ang connectivity sa bansa.

Sinabi naman ni DILG Secretary Eduardo Año na may mahigit 2,200 applications for permits ng mga telco firms para makapagpatayo ng cell towers ang naaprubahan kamakailan.

Samantala, pinalalakas na ni DICT Secretary Gringo Honasan ang Free Wi-Fi sa lahat ng proyekto sa buong bansa para mapaunlad ang online class learning experience ng mga guro at estudyante sa remote areas.

Inaasahan naman na sa Marso ng 2021 ay idaraos na ang commercial launch ng ikatlong telco sa bansa-ang DITO Telecommunity, na inaasahang magpagpapaunlad sa telco services at mas abot-kaya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: