Telcos itotodo ang gastos para sa network upgrade sa susunod na taon

Telcos itotodo ang gastos para sa network upgrade sa susunod na taon

Inaasahan ng National Telecommunications Commission (NTC) na magiging puspusan ang pagpapataas sa kalidad ng kanilang mga pasilidad ng dalawang umiiral na telcos sa bansa sa buong 2021.

Sinabi ng NTC na parehong naglaan ng mataas na capital expenditures ang Globe Telecoms at Smart Communications para sa taong 2021. Nasa P90 bilyon ang inilaan ng Globe at P92 bilyon naman ang sa Smart.

Ito na ang pinakamataas na annual capital expenditure ng dalawang kumpanya sa nakalipas na anim na taon.

Sinabi ng NTC na simula nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mabilis na proseso para sa pag-iisyu ng permit sa pagtatayo ng cell site tumaas din ang bilang ng naitayong tower.

Simula nitong Hulyo 2020, ang average monthly increase sa construction permits na nai-isyu para sa Globe ay umabot sa halos 600% at ang Smart naman ay halos 200%.

“The telco reported deploying 1,300 new cell sites and upgrading over 10,800 sites to Fourth Generation/long-term evolution (4G/LTE) this year. It has also deployed 708 5G sites in Metro Manila, as well as certain cities in Mindanao,” ayon pa sa NTC.

Target ng Smart na maliban sa local competition ay makipagsabayan din sa bansang Thailand at Vietnam. Naitaas din ng Smart ang bilang ng base stations nito sa hanggang 58,000 ngayong taon. Mas mataas ito ng 20 percent kumpara noong 2019.

Ang fiber infrastructure ng PLDT ay maituturing na “most extensive” sa bansa na umabot na sa mahigit 422,000 kilometers ang haba. Sakop na nito ang 96 percent ng populasyon at 95 percent ng mga lungsod at munisipal cities and municipalities.

Samantala ayon sa NTC, itataas din ng Fiber internet company na Converge ang kanilang capital expenditure mula sa P19 billion hanggang sa P23 billion sa susunod na taon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: