Kilig Moments nina Lola at Lolo, bibida sa blog making contest sa Caloocan City

Kilig Moments nina Lola at Lolo, bibida sa blog making contest sa Caloocan City

PINANGUNAHAN ni Konsehal Orvince Howard “ConVINCEd” Hernandez ang blog making contest na nagbibigay ng parangal sa mga nabubuhay na mag-asawang senior citizen sa Caloocan City na nagsasama na ng apat na dekada at “going strong” pa rin.

Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-asawang senior citizen na residente ng lungsod at maligaya pa ring nabubuhay na magkasama sa loob na ng 40 taon o higit pa.

“Let’s celebrate this year’s Valentine’s Day by honoring our lolo and lola or nana yand tatay whose faithfulness to each other has stood the test of time through the years. Through this contest, let’s make them feel that we dearly love them. Let’s make the people know that here in Caloocan City, we are extremely proud of our senior citizens,” ani Hernandez, presidente ng Sanggunian Kabataan Federation ng Caloocan City.

Upang makasali sa contest, sinumang apo o anak ay dapat isulat ang kuwento ng kanilang lolo at lola o magulang at ipadala sa VINCE HERNANDEZ FB Page o i-email sa office.vincehernandez@gmail.com.

“Ikuwento n’yo ‘yung mga ‘kilig’ moment ng love story nila, kung paano sila nagkakilala at nagligawan, tampuhan at suyuan, ilan ang naging anak at apo nila, how they overcame challenges and all that. In other words, their love and life story as husband and wife,” sabi nito.

Mula sa mga entry, pipili si Hernandez ng limang mananalo at pararangalan sila ng mga plaque at premyong cash.

“Bukod dito, iti-treat ko, ako ang taya, ng isang munting salu-salo with matching roses para kay Lola sa darating na Valentine’s Day ngayong Pebrero 14. Ang salu-salong mangyayari ay sa mismong bahay po nila gagawin para kapiling din nina Lolo at Lola ang kanilang buong pamilya. Kahit pandemic, tuloy po ang V Day sa ating mga tahanan. lalo na ang mga lolo at lola natin na dapat maging inspirasyon ng mga kabataang at mga mag-asawang nagmamahalan ngayon,” ani Hernandez.

“’Yung mga mapipili ay gagawan din namin ng MTV o video presentation na parang ‘Wish Ko Lang’ and dating para mapasaya natin sila at bilang pagpupugay sa kanilang matibay na pagsasama,” sabi pa ni Hernandez na tinutukoy ang isang sikat na programa sa telebisyon ng GMA7.

Kahapon, Enero 18 ay sinimulan na ang pagtanggap ng mga entry at magtatapos sa Pebrero 8.

“Walang limit kung gaano kahaba ang letter, pero ‘wag naman masyadong mahaba, basta ang importante ay maibigay ang substance. Maaari ring lagyan ng larawan nina lolo at lola o nina tatay at nanay ang inyong sulat o Blog,” saad pa nito Hernandez.

Leave a Reply

%d bloggers like this: