Himalayan tsunami sa India, 150 maaaring patay

Himalayan tsunami sa India, 150 maaaring patay

Pinangangambahan na aabot sa 150 tao ang nasawi sa India makaraang gumuho ang Himalayan glacier at bumagsak sa isang dam na nagdulot ng flash floods sa mga nasa ibabang villages nitong Linggo.

Ngunit maaari pang umakyang ang naturang bilang dahil sa hindi pa tiyak ang bilang ng taong inanod ng baha, ayon kay Om Prakash, chief secretary ng Uttarakhand state.

Isang saksi ang naglarawan ng nakapanghihilakbot na pangyayari ng pagragasa ng alikabok, tubig, at bato habamg umuugong naman na tila malaking hayop ang pagbagsak ng malalaking tipak ng yelo mula sa kabundukan.

“Napakabilis ng pangyayari, wala nang oras para sabihan ang iba. Kahit kami natakot kami na aanurin rin,” ayon sa survivor na si Sanjay Singh Rana.

Maaari umanong inanob ang mga trabahador ng kalapit na hydro-power project maging ang mga locals na nag-iikot sa pag-aalaga ng mga hayop at naghahanap ng mga panggatong.

Sa ngayon, inilagay na sa pinakamataas na alerto ang kanilang mga Northern Districts.

Tinatawag ngayon ang trahedya na “Himalayan tsunami” dahil sa lakas ng daluyong ng tubig na rumagasa buhat sa bundok at tumangay sa mga nadaanang puno, bahay at maging ilang gusali.

Leave a Reply

%d bloggers like this: