Presyo ng cancer treatment, pabababain ng CREATE bill

Presyo ng cancer treatment, pabababain ng CREATE bill

KINUMPIRMA ni Senador Joel Villanueva na sa sandaling maging batas ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill, tiyak na magiging abot kaya ang cancer treatment dahil exempted na sa Value Added Tax ang cancer prevention medication.

Sinabi ni Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development, kapag napirmahan na ang CREATE bill magsisilbi itoang milestone hindi lang sa kampanya aban sa pandemic kundi pag-iwas sa cancer at iba pang sakit.

“Not only will the proposed CREATE law help our economy bounce back from the raging effects of the pandemic, it will also greatly reduce the cost of cancer medication that has been killing hundreds of Filipinos every day who cannot afford the cost of cancer treatment,” saad ni Villanueva na isa ring co-sponsor ng Republic Act 11215 o National Integrated Cancer Control Act.

Alinsunod sa CREATE bill, ibababa ang corporate income tax (CIT) upang mas marami pang investor ang maglagak ng puhunan sa bansa.

Tiniyak ni Villanueva na marami ang makikinabang sa panukala lalo pa’t  pito sa 10 Filipino cancer patients ang nahirapang magpagamot dahil sa kawalan ng pera.

“If a cure for cancer will be found, the government should not be complaining about the foregone revenues from the sale of chemo drugs. Those revenues are from Filipinos with cancer, most of whom are poor and suffering two-fold just to get the treatment and medicine that are out of their reach,” paliwanag ni Villanueva.

“Pag bubuwisan po natin ang gamot sa cancer, mga kababayan po nating may sakit ang magbabayad niyan. In essence, the cancer-afflicted are paying more when they should be getting aid and medical assistance. This also goes for all the medications for diseases listed as VAT-free in CREATE, like mental illness, tuberculosis and kidney disease,” diin pa ng senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: