Pasay Mayor Emi Calixto, nadale rin ng COVID-19

Pasay Mayor Emi Calixto, nadale rin ng COVID-19

Hindi rin nakalusot sa nakamamatay na COVID-19 si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano makaraang magpositibo sa virus na hinihinalang nakuha niya sa isang tauhan.

“I have received the result of my swab test on February 8, and it confirmed that I tested positive for the coronavirus,” pahayag ng alkalde.

Sinabi niya na isang tauhan niya ang unang nagpositibo sa virus. Pero dahil sa nakasalamuha niya ito, kinailangan na sumailalim siya sa RT-PCR test na positibo rin ang resulta.

Ngunit iginiit ni Calixto na nasa maayos siyang kundisyon at kailangan lamang matapos ang kaniyang isolation period. Habang nakahiwalay, tiniyak naman niya na magpapatuloy ang serbisyo ng pamahalaang lungsod habang patuloy siyang ‘hands-on’ sa pamamagitan ng internet.

“I have instructed all the heads of departments and offices and all other officials of the Pasay LGU to ensure that all the programs, projects, and services of the city government would not be affected by this development. I will likewise still perform my part in the LGU’s operation through the use of technology such as Zoom, Viber and the telephone, and through whatever means possible,” paliwanag nya.

Nagpatupad na rin ang pamahalaang lungsod ng kinakailangang ‘health protocols’ tulad ng disinfection sa city hall at ‘contact tracing’ sa mga nakasalamuha ng alkalde upang maisailalim rin sa testing.

Leave a Reply

%d bloggers like this: