Pekeng Coppermasks, nagkalat na!

Pekeng Coppermasks, nagkalat na!

Nagkalat na ang mga pekeng Coppermasks na sumikat nang isuot ng mga artista laban sa COVID-19.  Ibinibenta ito ngayon kahit saang sulok at maging sa mga online selling pages sa social media.

Aabot sa P38 milyong halaga ng mga pekeng Coppermasks ang nasabat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ginawang pagsalakay sa ilang mga tindahan sa lungsod ng Maynila, Pasay at sa Biñan, sa lalawigan Laguna kamakailan.

Sinabi ni NBI Officer-in-Charge Eric Distor, na dumulog sa kanila ang mga opisyal ng JC Premiere Business International, ang opisyal na distributor ng Coppermask sa bansa. Humingi ang kumpanya ng tulong upang masawata ang pagkalat ng mga pekeng Coppermask sa lokal na merkado at maging sa online selling platforms.

Natukoy sa imbestigasyon ang kinaroroonan ng mga bodega na siyang pinag-iimbakan ng mga pekeng Coppermask kaya agad na kumuha ng search warrant ang NBI sa Manila Regional Trial Court Branch 46.

Pebrero 4 nang salakayin ng NBI-National Capital Region ang pitong mga bodea sa Binondo sa Maynila at sa Pasay City at isa pang bodega sa Biñan, Laguna. Dito nadiskubre ang mga kahon-kahong Coppermasks na aabot sa halagang P38 milyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: