Virtual weddings, sasamantalahin ng mga manloloko

Virtual weddings, sasamantalahin ng mga manloloko

Pinalagan ng mga Obispo at pari ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang isang panukalang batas sa Kongreso na nagsusulong na gawing legal ang mga tinatawag na ‘virtual nuptials’ o pagpapakasal sa pamamagitan ng internet ngayong magkakahiwalay ang mga magkasintahan dahil sa pandemya.

Nangangamba ang simbahan na lalong darami ang mga pekeng kasal sa naturang panukala sa Kongreso dahil sa pagsasamantala ng mga manloloko.

“It’s going to pose a lot of risks also,ì kapag halimbawang matuloy ‘yan, baka makakuha tayo ng mga kasal na hao shao, lalo natin dito guguluhin ang sanctity ng pamilya,” ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive director ng CBCP Public Affairs Committee.

Layon ng House Bill No. 7042 nainiakda ni Rep. Ron Salo na amiyendahan ang Family Code para kilalanin na legal o may bisa sa batas ang virtual weddings.

Ngunit para kay Fr. Secillano, hindi sapat ang restriksyon sa mga simbahan bunsod ng mga protocols ng pamahalaan para magpasa ng naturang batas. Mawawalang-silbi na rin kung maipapasa ang panukala sa oras na maging normal na ang kundisyon.

Iginiit ni Secillano na ang ritwal sa simbahan ay pinoprotektahan ang kabanalan at dignidad ng sakramento ng kasal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: