Mutation ng COVID-19 sa Pilipinas, dumarami

Mutation ng COVID-19 sa Pilipinas, dumarami

Patuloy na nababahala ang Department of Health (DOH) sa pagdami ng kaso ng mutation ng COVID-19 makaraang umakyat na ang bilang sa 34 dahil sa tatlong bagong pasyente ang nadiskubreng may taglay nito.

Nadiskubre sa samples ng tatlong bagong pasyente ang mutated virus na tinatawag na N501Y at E484K. Ang mutation ng N501Y ay nakita rin sa UK variant habang ang mutation ng E484K ay nakita naman sa South African variant.

Nanawagan ang DOH sa mga lokal na pamahalaan na may kaso ng mutation ng virus na higpitan ang monitoring at magpatupad na ng lockdowns kung kinakailangan upang hindi na kumalat pa ito. Kailangan ring palakasin ang ‘case finding, contact tracing at isolation’.

Inihayag rin ng DOH na umakyat na sa 62 ng kaso ng UK variant ng COVID-19 makaraang 18 pang pasyente ang madagdag sa talaan.

Sa naturang bagong kaso, 13 dito ay mga nagbabalik na Filipino migrant na pumasok sa bansa sa pagitan ng Enero 3 hanggang 27.

Ang tatlong kaso ay natukoy sa Cordillera Administrative Region. Dalawa angmula sa orihinal na cluster sa Samoki, Bontoc, Mountaine Province habang ang ikatlong kaso naman ay isang 41-anyos na babae na konektado naman sa La Trinidad, Benguet cluster.

Ganap na umanong nakarekober ang tatlong kaso mula sa CAR habang ang kanilang mga close contacts ay nakatapos na rin ng quarantine period.

Leave a Reply

%d bloggers like this: