HINDI PAGPAPAGAMIT NG SINOVAC SA MEDICAL HEALTHWORKERS, KUWESTIONABLE

HINDI PAGPAPAGAMIT NG SINOVAC SA MEDICAL HEALTHWORKERS, KUWESTIONABLE

NAGTATAKA ang ilang senador sa naging rekomendasyon ng Food and Drugs Administration (FDA) hinggil sa epekto ng Sinovac.

Ito ay makaraang magpalabas na ang FDA ng Emergency Use Authorization para sa Sinovac subalit iginiit na hindi ito inirerekomenda para sa mga healthworkers at senior citizen.

Inilarawan ito ni Senador Panfilo Lacson sa isang chef na ayaw kainin ang kanyang sariling pagkain na iniluto subalit ibinigay sa mga customer.

“For lack of a better analogy, it’s like a chef who refuses to
eat the food that he just cooked because it is not good but which he serves to the customers. For, how can a vaccinator convince the person that he is about to inoculate if he/she himself/herself is being discouraged by the government to use the Sinovac vaccine?” saad ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na mas marami ngayong tanong at isyu hinggil sa naturang bakuna dahil sa pahayag ng FDA.

“This raises more questions and issues than what the NTF is already busy grappling with. That said, I still think that the national government should allow the private sector and even the LGU’s to actively and even proactively proceed with procuring and administering their vaccines as long as they are in close coordination and under the supervision of the DOH/NTF,” dagdag pa ni Lacson.

Maging si Senador Kiko Pangilinan ay nagtataka sa pahayag ng FDA at iginiit na maglabas ng paglilinaw ang ahensya.

“Besides what kind of government policy is this? Is it acience based to say that a vaccine isnt recommended for health workers and yet can be recommended for police and military personnel?” diin ni Pangilinan.

“It may not breed confidence for people to get vaccinated,” giit naman ni Senador Ralph Recto.

Leave a Reply

%d bloggers like this: