MGCQ parating na!

MGCQ parating na!

Handa na umano ang buong Pilipinas sa pagpasok sa maluwag na ‘modified general community quarantine (MGCQ)’ kahit na hindi pa nag-uumpisa ang ‘vaccination program’ sa bansa, ayon kay  Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

“I think we are ready. I can say that because after one year, we have managed to keep our infection rate manageable… It is at a level that has not overwhelmed the healthcare system,” ayon kay Duque.

Pinuri niya ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay handa at epektibo na sa pamamahala para hindi kumalat ang virus. Patunay umano nito ang hindi gaanong pagtaas ng mga kaso kahit na dumaan ang Kapaskuhan, Pista ng Itim na Nazareno at iba pang mga pagdiriwang.

Sa pagtaas ng mga kaso sa iba’t ibang lugar, iginiit ni Duque ngayon na ang ‘localized lockdown’ na ang magiging solusyon para maampat ang pagkalat ng virus at hindi ang pangmalawakan na lockdown.

“You cannot discount the fact that you will have some spikes. Now we see that happening in Pasay, in Navotas, but I think the interventions of early detection, isolation, treatment, and re-integration strategies are very much in place,” paliwanag ng kalihim.

Unang iminungkahi ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapatupad na ng MGCQ upang mapalakas nang muli ang ekonomiya at dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagugutom dahil sa walang trabaho o ibang pagkakakitaan ng mga Pilipino. Sinang-ayunan naman ito ng mga alkalde sa Metro Manila.

Leave a Reply

%d bloggers like this: