Teenage pregnancies lumolobo, sexual education  ituro na sa academic curriculum

Teenage pregnancies lumolobo, sexual education ituro na sa academic curriculum

Upang maiwasan ang teenage pregnancies o pagbubuntis ng mga kabataan, isinusulong ni 1st District Bukidnon Rep. Maria Lourdes Acosta-Alba ang integrasyon ng komprehensibong sexual education na ituro ng mga guro sa academic curriculum ng kanilang mga estudyante sa bansa.

Ayon kay Acosta-Alba, Chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality, mabisang paraan ang integrasyon ng komprehensibong pagaaral sa sexual education para mamulat ang mga tinedyer na estudyante na sagrado ang sex at dapat gawin ito sa tamang panahon.

Sinabi ni Acosta-Alba mahalagang malaman rin ng mga kabataang estudyante ang kahalagahan ng kalusugan sa. responsableng pakikipag-sex.

“Apparently kulang yung community-based education and information campaign, and even sa curriculum sa formal education. I think we really need to integrate that in our curriculum, ‘yung comprehensive sexuality education,” ayon sa lady solon.

“Our teenagers have to have a sexuality na safe, responsible and healthy and to really drum it up sa kanila, tungkol sa mga risky behaviors when you engage in early sex and how this will have a detrimental effect on their future,” punto ng mambabatas.

Binigyang diin nito na mahalaga ang nagkakaisang pagtugon ng lahat ng mga institusyon para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa dahilan lubhang nakakaalarma na ang rekord nito.

“That’s the reality, it’s really happening. We cannot turn a blind eye on this disturbing phenomenon. Dapat magtulungan tayo how we can all find ways to really deal with this and address this—in our schools, our homes. Bottomline is really changing our mindset,” anang mambabatas na sinabng dapat ring kausapin ng mga magulang ang kanilang mga anak at ipaliwanag sa mga ito na hindi makabubuti sa mga tinedyer ang sex.

“We need to also equip not only our teachers, but our parents kasi more or less sa culture natin taboo ang pag-discuss ng sex to our children. That’s one thing that we have to hurdle, ‘yung ganyang mindset na it is ‘no, no’ to even talk about sex at home. But with the reality on the ground, with all the alarming statistics, we really need to do something”, giit pa ng mambabatas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: