7.5K DOSES NG ASTRAZENECA VACCINES, NAAKSAYA LANG

7.5K DOSES NG ASTRAZENECA VACCINES, NAAKSAYA LANG

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Nancy Binay sa impormasyon na libu-libong doses ng bakuna kontra COVID 19 ang nasasayang dahil sa hindi tamang paghawak.

“Nakakabahala yung balita na lumabas kahapon na merong 7500 AztraZeneca vaccines sa Bicol ang mukhang hindi magagamit simpy because of some freezer failure,” saad ni Binay.
Sinabi ni Binay na batay sa impormasyon, may problema ang thermometer ng third-party logistics na inupahan ng Department of Health.

Dahil dito, nagdududa ang health officials sa efficacy ng bakuna.

“So, nagdududa sila na apektado ang efficacy and potency ng bakuna at malamang sira na ang mga ito,” diin ni Binay.

“Dahil sa kapabayaan, technically, about 7,500 people have been denied of life-saving vaccines—or shall we say, 7,500 healthworkers ang hindi nabakunahan. Given the shortage of vaccines, these kinds of mishandling are totally unacceptable,” dagdag pa ng senadora

Leave a Reply

%d bloggers like this: