PAGKILALA SA DEDIKASYON NG SK OFFICIALS AT MEMBERS, INSPIRASYON SA KABATAAN

PAGKILALA SA DEDIKASYON NG SK OFFICIALS AT MEMBERS, INSPIRASYON SA KABATAAN

NANINIWALA ang Pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation sa Caloocan City na si Coun. Vince Hernandez na magsisilbing inspirasyon pa sa kabataan ang pagkilala sa dedikasyon ng SK officials at members.

Ito ay sa gitna ng pag-apruba ng Senado sa Senate Bill No. 2124 (SBN 2124) o “An Act Strengthening The Sangguniang Kabataan By Institutionalizing Additional Reforms To Revitalize Youth Participation in Governance And For Other Purposes.”

“Maraming salamat po lalo na kay Senator Sonny Angara na principal sponsor ng panukalang ito,” saad ni Hernandez.

Alinsunod sa panukala, magiging bahagi ng pribilehiyo ng SK member, secretary, at treasurer ang pagkakaroon ng monthly honorarium mula sa kanilang local government units.

Pagkakalooban din sila ng hazard pay at social welfare contribution.

Sa pagtatapos naman ng term of office, ang SK official ay pagkakalooban ng Civil Service eligibility at magiging exempted sa National Service Training Program (NSTP) 1 at 2.

“As president of the SK Federation of Caloocan City and a city councilor, I fully support this measure and I hope that it will be enacted into law as soon as possible,” pahayag pa ni Hernandez.

“Bagama’t sa simula pa lang ay talagang naglilingkod na nang buong puso ang mga SK official sa pakikipagtulungan ng mga member, ang mga reporma pong ito ay dagdag na inspirasyon upang lalo silang magserbisyo nang buong tapat at buong sipag,” diin pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: