LALAKING NANAKIT NG BUNTIS NA KASINTAHAN, KALABOSO

LALAKING NANAKIT NG BUNTIS NA KASINTAHAN, KALABOSO

KALABOSO  ang isang lalaki matapos pagmalupitan ang buntis na kasintahan nang magtalo dahil kinarnap nito ang SUV at pagnakawan ang ginang ng nagkakahalagang P200,000.

Sa report na ipinadala ng Paranaque City Police station sa Southern Police District (SPD), ang suspect ay kinilalang si Rashan Howard, 43, residente ng #163 Nina Ricci Drive Savvy 25, Severina 18, Barangay Marcelo Green ng nasabing lungsod.

Siya ay inaresto nina Police Staff Sergeant Joey Bisayas at Police Corporal Christopher Mendiola ng Marcelo Green Police Sub-Station 8, base na rin sa sumbong ni Norelene de Leon, 44, at naninirahan sa #19 Blk 1, Lot 9 Oaks Avenue, Oak Residences, Bgy. San Isidro, Paranaque.

Nabatid na dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang puntahan ng biktima ang bahay ng suspect dahil matagal nang hindi ito nagpapakita sa kanya, simula nang iabot nito ang perang P200,000.

Magkasintahan umano ang dalawa at sinabi ng suspect sa biktima na nakasanla ang mga alahas nito na nagkakahalaga ng P200,000. Ipinahiram pa ng biktima ang kanyang Mitsubishi Montero, ngunit hindi na ito nagpakita sa ginang – tangay ang pera at mamahaling sasakyan.

Nang muling hanapin ng babae ang kanyang sasakyan at alahas na sinasabi ng suspect na nakasanla ay doon na sila nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Sinampal umano ng suspect ang biktima saka pinagsabihan ng masasakit na salita dahilan upang humingi ito ng tulong sa pulisya.

Nabatid na ang biktima ay nagdadalang tao, bagay na lalong magpapabigat ng kaso sa suspect.

Nakikusap ang suspect sa kasintahan upang hindi na ituloy ang kasong paglabag sa Republic Act 9262 o lalong kilala sa “Violations Against Women and Children,’ gayundin ang karagdagang asunto ng ‘Estafa.’

Napilitang isauli ng suspect ang Mitsubishi Montero, ngunit hindi na nito naibalik ang ibinigay ng girlfriend ng P200,000 cash at ang mga alahas na sinasabi nitong nakasanla.

Leave a Reply

%d bloggers like this: