P8K PAYOUT PLUS ASSISTANCE, TINANGGAP NG 200 TUPAD WORKERS SA CALOOCAN

P8K PAYOUT PLUS ASSISTANCE, TINANGGAP NG 200 TUPAD WORKERS SA CALOOCAN

KABUUANG  200 Caloocaño ang naging bahagi ng unang batch  ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Caloocan City Government.

Pinangunahan ni Caloocan City Councilor Vince Hernandez ang pamamahagi ng payout sa mga benepisyaryo matapos ang 10 araw nilang pagta-trabaho.

Bukod sa P5,000 payout, tumanggap din ng P3,000 na ayuda mula sa Depatment of Social Welfare and Development (DSWD) at sa tanggapan ni Senador Bong Go ang mga TUPAD workers.

Nagpa-raffle naman ng bisikleta, tablet at sapatos ang tanggapan ni Sen. Go para sa mga benepisyaryo.

Ang TUPAD ay programa ng Department of Labor and Employmeny (DOLE) na layong bigyan ng pagkakakitaan ang mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan at SK Federation.

Nag-uumapaw ang galak sa aking puso sapagkat makukuha na ninyo ang bunga ng inyong pagpapakapagod at pagsisikap sa ilalim ng ‘flagship  cash-for-work’ program ng pamahalaan,” pahayag ni Councilor Vince.

“Muli, ako po ang inyong Milenyal Na Konsehal, nagsasabing kaya nating Manalo laban sa pandemya, basta sama-sama; at nagkakaisa,” dagdag ng Milenyal na Konsehal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: