𝐅𝐀𝐂𝐄 πŒπ€π’πŠ 𝐅𝐑𝐄𝐄 π‚π‡π‘πˆπ’π“πŒπ€π’, π–πˆπ’π‡π…π”π‹ π“π‡πˆππŠπˆππ† -π’πŽπ“π“πŽ

𝐅𝐀𝐂𝐄 πŒπ€π’πŠ 𝐅𝐑𝐄𝐄 π‚π‡π‘πˆπ’π“πŒπ€π’, π–πˆπ’π‡π…π”π‹ π“π‡πˆππŠπˆππ† -π’πŽπ“π“πŽ

“WISHFUL THINKING” para kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pagnanais ng Inter-Agency Task Force na maging face mask free ang Pasko ngayong taon.
“Wishful thinking siguro yun, face shield pa lang sinasabi na ‘wag na, ayaw nila, face mask pa?” diin ni Sotto.
Sinabi ni Sotto na kailangang tiyakin ang proteksyon sa taumbayan upang hindi na kumalat pa ang virus.
Muli namang iginiit ni Sotto ang kanyang paninindigan laban sa paggamit ng face shield sa mga hindi ‘enclosed’ na lugar.
Umaasa ang Senate President na sa ilalabas na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mas magiging linaw ang polisiya sa paggamit ng face shield.
“Ako, kasi ang pananaw natin kapag sinabi ng Pangulo at may basis siya dapat susunod na ang kayang mga opisyal. Sa ibang bansa walang nagmamandate ng face shield,” diin ni Sotto.
“Commonsense nasa labas ka, naglalakad, napakainit hindi ka makahinga magpe-face shield ka pa rin?..As far as the President is concerned at iba pang opisyal sumasangayon sa amin, hindi nila maintindihan ang consultants ng DOH para sa paggamit ng face shield,” dagdag ng senador

Leave a Reply

%d bloggers like this: