πŒπ”π‹π“πˆ-πŒπˆπ‹π‹πˆπŽπ ππ„π’πŽ π‡π”π‹πˆπƒπ€π 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐑𝐄𝐀𝐔 πŽπ… π‚π”π’π“πŽπŒπ’, π“π€π‹π€πŒπ€πŠ!

πŒπ”π‹π“πˆ-πŒπˆπ‹π‹πˆπŽπ ππ„π’πŽ π‡π”π‹πˆπƒπ€π 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐑𝐄𝐀𝐔 πŽπ… π‚π”π’π“πŽπŒπ’, π“π€π‹π€πŒπ€πŠ!

HINDI na talaga titino ang Bureau of Customs (BOC) kahit kailan.

Kahit sinong administrasyon pa siguro ang dumaan, talamak pa rin ang korapsiyon sa pantalan.

Wala itong ipinag-iba sa nakalipas na administrasyon dahil ang nag-iba lang ay ang pangalan ng mga kawatan sa naturang ahensiya, pero ang modus-operandi ay iisa lang.

Ang masama pa ay mas nuknukan pa ng talamak na korapsiyon sa kasalukuyang administrasyon.

Tulad itong reklamo na natanggap ng Banner Media, isang alyas Joel daw ngayon ang pasimuno ng multi-million peso hulidap sa Binondo, Manila; Bulacan, Baguio City at iba pang bahagi ng Central Luzon

Si Joel ay may hawak na sensitibong posisyon na nagpapakilala ring sagradong bata umano ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero – bagay na dapat linawin ng opisyal upang hindi na masira ang kanyang pangalan dahil lamang sa kabalbalan ng isang kawatan na nilalang.

Nabatid na modus-operandi ni Joel ngayon ay kumuha ng isang awtorisasyon upang salakayin ang mga bodega sa Binondo, Manila, Bulacan, Baguio City at iba pang warehouse sa Central Luzon.

Ang target ng nasabing awtorisasyon ay para salakayin ang mga pekeng produkto tulad ng mga sapatos, bags, shades at kung anu-ano pa.

Kasabwat umano ni Joel ang ilang operatiba ng BOC, habang isinasama rin nila sa illegal na operasyon ang iba pang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG).

Walang problema sa mandate ng awtorisasyon dahil ito talaga ang tamang paraan para mapasok ng operatiba ang anumang establisimento na pinaghihinalaang may nakaimbak na mga counterfeited/ imported merchandise.

Ang masaklap, matapos salakayin ay nagkakaroon ng negosasyon para hindi na tuluyang sampahan ng kaso ang mga warehouse owners na karamihan ay mga Chinese businessmen, Muslim at Bumbay.

Bawat isang warehouse owners ay kinokotongan umano nina Joel ng P300,000 hanggang P500,000 kada isa. Ibig sabihin, kung may 100 bodega ang nasalakay sa isang gusali, tumataginting na P50 million iyon. Depende pa iyon kung ilang palapag ng sinalakay na warehouse ang papasukin ng grupo ni Joel na may alyas ding Joel Kawatan o Joel Tulisan o hari ng Hulidap sa Pantalan.

Kung ang bodega naman ay pag-aari ng isang Muslim o Bumbay, ang aregluhan ay umaabot lamang ng hanggang P100,000 bawat isa.

Ang presyong iyan ay sa isa o dalawang building pa lamang. Ibig sabihin, nadodoble o mas lumalaki pa kung maraming warehouse building silang nasasalakay.

Sa laki ng nadedelihensiya raw ng grupo ni Joel, marami silang maghahati-hati rito, pero ang 50 percent umano ng kanilang nakukulimbat bawat operasyon ay napupunta β€˜automatic’ sa isang mataas na opisyal ng BOC.

Hindi lang natin matiyak kung alam ba ni Guerrero ang pagiging kawatan ng ilan niyang tauhan, gayundin sa pamunuan ng NBI sa ilalim ng pamamahala ni Director Eric Distor.

Sina Guerrero at Distor ay kapwa β€˜personal handpicked’ ng Pangulong Duterte kaya sila napunta sa kani-kanilang puwesto.

Ang masaklap pa sa ginagawang kabulastugan ng grupo ni Joel ay ang lahat ng nakukumpiska nilang kargamento o kontrabando ay hindi raw idinideklara sa BOC, kundi dinadala na nila ito sa isa pang warehouse at doon din pinaghahati-hatian.

Wala itong iniwan sa mga Ninja Cops na ang narerekober na illegal na droga ay nire-recycle, samantalang sa BOC naman ay ibinebenta rin nila sa Divisoria at Bacalaran. Kaya wag na kayo magtaka kung bakit hindi mawala sa mga tindahan ang mga pekeng produkto dahil pinapayagan na nga nila itong makalabas sa BOC ay pinagkakakitaan pa kapag nasasalakay na ang mga bodegang pinag-iimbakan nito.

Ang tanong ngayon, panong hindi ito namomonitor ng pamunuan ni Guerrero, gayung alam ng lahat na bago pa man siya i-appoint sa BOC ay dati siyang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may kapasidad sa intelligence at counter-intelligence tactics.

Sa puntong ito, ilang Chinese businessmen na ang nagpaplanong lumapit sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), upang bago pa man matapos ang termino ng Pangulong Duterte ay may makasuhan at makulong na corrupt na opisyal sa BOC para naman mapatunayan na naging matagumpay ang sinasabing β€˜Change is coming’ noong nangangampanya pa lang ang tatay ng nangungunang presidential candidate Mayor Inday Sara Duterte.

Puwede rin pong magbigay ng kanyang panig si Commissioner Guerrero, lalo’t na kung maglalabas siya ng direktiba na ipahanap ang kawatan na si Joel at punitin ang lahat ng papel na ginagamit nito sa multi-million peso hulidap scam.

Naniniwala kasi tayong hinding-hindi papayag si Guerrero na masira ang kanyang pangalan kaya hindi pa huli ang lahat upang baliin ang sungay ng grupo nina Joel Kawatan!

Leave a Reply

%d bloggers like this: