π’πšπ₯𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐀𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐟𝐚𝐜𝐞 𝐬𝐑𝐒𝐞π₯𝐝 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐊𝐨𝐒𝐬!

Pumutok ang COVID-19 pandemic, marami ang nawalan ng trabaho. Pero akala natin lahat maghihirap, may mga kumita pala ng limpak-limpak lalo na sa importasyon ng mga PPEs.

Bukod dito, tanging Pilipinas lamang ang nag-require sa mamamayan na magsuot ng face shield na noong una nakapakataas ng presyo. Ang galing naisip pa nila yun samantalang ang ibang bansa salamin lang ok na para maproteksyunan ang mata.

Buti na lang may Mayor Isko Moreno ng Maynila na matapang na nagsalita kontra dito. Nahihirapan nga naman ang mga mahihirap lalo pang dagdag-gastusin lalo na at maraming nawalan ng trabaho. Ke politika o sincere iyon, at least may nagsalita, hindi ba?

Dahil dito, naglabas ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na payag siya na huwag nang gumamit ng face shield at tanging sa loob ng mga ospital na lamang ito gamitin. Winner di ba?

So salamat Yorme!

******

Ngunit, datapwa’t subalit, nagmamatigas si Department of Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa raw panahon para itigil ang paggamit ng face shield. Masyado pa raw kokonti ang nababakunahan at dagdag-proteksyon daw ito kontra COVID.

Talaga? Pangulo na ang nagsalita Sec. Saka maging mga kasamahan mo dyan sa DOH tulad ni Usec. Leopoldo Vega nagsasabi na hindi talaga ginagamit sa outdoors ang face shield at tanging sa indoors lang tulad ng mga mall at iba pa.

Ano ba talaga ang pinoproteksyunan? Ang taumbayan ba talaga? Nagtatanong lang po kasi sobrang nakapagtataka na si Sec. Duque lang ang kumokontra kahit nakakatawa na tayong mga Pinoy.

Palagay nyo mga tol?

Leave a Reply

%d bloggers like this: