TIKTOKER DADS, WAGI SA MILENYAL NA KONSEHAL NG CALOOCAN CITY

TIKTOKER DADS, WAGI SA MILENYAL NA KONSEHAL NG CALOOCAN CITY

SAMPUNG magigiting na haligi ng tahanan ang nabibiyaan ng bisikleta mula Milenyal na Konsehal ng Caloocan City na si Coun. Vince Hernandez sa mismong Father’s Day.

Personal na inihatid ni Hernandez ang mga bisikleta sa mga nanalong Tiktoker Daddies sa ‘Bisikleta Ke Ama, Ngayong Pandemya’ Tiktok Challenge.

Kinilala ang mga tatay na nakasungkit ng bisikleta na sina Arvin dela Cruz, ng Bagong Barrio; Chibimaru Aber Razon, ng Brgy 176; Carmelito Boncayo, ng Bagong Barrio; Renato Prado, ng Brgy 169; Joselito Embiado, ng Brgy 164; Danilo Mendoza , ng Deparo; Mario Dantes, ng Brgy 177; Rocky Olabere, ng Brgy Caybiga; Joey Vigo So, ng Brgy 176 at Roderick Pelaez, ng Brgy 171.

Bukod sa mga nanalo ng bisikleta, 10 Tiktoker na tatay din ang binigyan ng tig-P1,000 habang ang lahat ng nagpasok ng entry ay awtomatikong pinagkalooban ng “certified Tiktoker Dad” Tshirt at certificate.

Bukod sa mga ito, ilang live viewers din noong araw ng announcement ng winners ang nakatanggap ng iba’t ibang premyo sa isinagawang raffle draw.

Kasama sa mga pina-raffle ang Android Tablet, 10 pocket wifi at mga T-Shirt.

“Malaki ang sakripisyo ng mga ama ng tahanan para itaguyod ang kanilang pamilya lalo na ngayong pandemya kaya naman nais natin silang bigyang pugay sa ating simpleng pamamaraan,” pahayag ni Hernandez.

“Sa mga ama ng tahanan, nagpapasalamat kami sa lahat ng inyong pagsisikap. Walang sasapat na salita upang ilarawan ang inyong pagpupunyagi. Happy Father’s Day po sa inyong lahat,” dagdag pa ng Milenyal na Konsehal.###

Leave a Reply

%d bloggers like this: