π‚πŽππ†π‘π„π’π’πŒπ€π ππˆπ‚π‡π€π˜, πŠπˆππ€πŠπ€π‹π€πŠπ€πƒ 𝐍𝐈 π‰πŽπ„π‹ πŠπ€π–π€π“π€π 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐑𝐄𝐀𝐔 πŽπ… π‚π”π’π“πŽπŒπ’!

π‚πŽππ†π‘π„π’π’πŒπ€π ππˆπ‚π‡π€π˜, πŠπˆππ€πŠπ€π‹π€πŠπ€πƒ 𝐍𝐈 π‰πŽπ„π‹ πŠπ€π–π€π“π€π 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐑𝐄𝐀𝐔 πŽπ… π‚π”π’π“πŽπŒπ’!

PANAWAGAN ito kay Surigao del Sur Rep. Butch Pichay.
Pangalan kasi niya ang kinakaladkad ng isang opisyal sa Bureau of Customs kaya talamak ang ginagawa nitong multi-million peso hulidap sa nasabing ahensiya.
Ang tinutukoy natin ay isang alyas Joel na kung tawagin sa kagawaran ngayon ay si Joel Kawatan o Joel Tulisan.
Alam kong walang permiso ni Pichay ang kabulastugan ni Joel Kawatan, pero kung ako sa kongresista, kaagad ko itong ipahahanap upang pagpaliwanagin dahil kung walang gagawing aksiyon ang may-ari ng DZME radio station, baka dumami lang lalo ang maniwala na may basbas nga niya ang ang pinaggagawa nitong mangholdap hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa buong Southern at Central Luzon.
Nauna na nating ibinunyag dito sa Banner Media ang krimeng ginagawa ni Joel Kawatan. Gamit ang isang sulat, sinasalakay nito ang mga bodega at warehouse na pinag-iimbakan ng mga pekeng produkto, tulad ng bag, damit, sapatos, shades o kahit general merchandise.
Walang problema rito kung ang pakay talaga ay para masawata ang pagkalat ng mga β€˜dyapeyks’ na produkto. Kaso, ang motibo ng grupo ni Joel Kawatan ay kumpiskahin lamang ang mga pekeng produkto saka kokotongan isa-isa ang mga negosyanteng Intsik.
Pumapalo sa P300,000 hanggang P500,000 ang kotong ni Joel Kawatan sa bawat negosyanteng Tsino. Ngayon kung may 100 bodega ang masalakay nito mula sa isang buong gusali, umaabot sa P50 million ang nakukulimbat nito – kasama ang ilang ahente ng BOC, Philippine Coast Guard at kahit ilang ahente ng NBI.
Ang nakapagtataka, dating AFP chief of staff si BOC Commissioner Ray Guerrero pero bakit mukhang hindi umaabot sa radar ng β€˜intel’ ng opisyal ang katarantaduhan ni Joel Kawatan?
Ayaw kong maniwala na pati si Mr. Commissioner ay nababahagian ng multi-million peso kotong ni Joel Kawatan, pero tulad ng panawagan natin kay Cong. Pichay dapat ay may gawing aksiyon agad dito ang dalawang magigiting na opisyal.
Puwede naman nilang tanungin si NBI Bulacan chief Head Agent Noel Bucaling kung sino si Joel Kawatan dahil kahit janitor at guwardiya sa BOC ay alam na alam ng lahat ang katarantaduhan ng grupo nito.
Sabi nga ng isang importante, bigtime na talaga ang lakad ni Joel Kawatan dahil noong si Mr. Bert Lina pa ang komisyuner ng BOC, pinaglilinis lang nito ng banyo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Joel, pero ngayon multi-million robbery na ang ginagawa nito.
Pano ba β€˜to, Finance Secretary Sonny Dominguez? Antayin n’yo pa bang makaladkad kayo sa imbestigasyon na isinasagawa ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC)? ###

Leave a Reply

%d bloggers like this: