š‚šŽšŒš„š‹š„š‚, ššˆšš€š†-šˆšˆš’šˆšš€š š€šš† šŽšš‹šˆšš„ š…šˆš‹šˆšš† šš† š‚š„š‘š“šˆš…šˆš‚š€š“š„ šŽš… š‚š€ššƒšˆšƒš€š‚š˜

IKINUKUNSIDERA ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasagawa ng online filing of certificate of candidacy para sa halalan sa susunod sa taon, sa gitna ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa COVID 19 pandemic.

Sinabi ni Comelec spokesman Jimenez na handa na ang mga mambabatas na magbalangkas ng panukala upang amyendahan ang batas kaugnay sa personal na paghahain ng COC ng mga kandidato.

Subalit, nilinaw ni Jimenez na hangga’t hindi nababago ang batas ay mananatili ang ‘in-person’ filing ng COC.

“Ipagbabawal natin na maraming kasama ‘yung ating mga kandidato. Siguro 2 o 3 lang silang pwedeng pumasok para mabilis din ang proseso,” saad ni Jimenez.

“Pinag-aaralan natin ang pagsasagawa ng online filing. Meron lang issue dahil, ayon sa batas, kailangan personal filing,” dagdag pa ng opisyal.

Lilimitahan din ng poll body ang mga taong magsasagawa ng campaign sorties at ipagbabawal ang food distribution.

“Di natin maba-ban ang in-person events kasi marami sa ating kababayan ay di naman nakaka-access ng iba’t ibang paraan ng pangangampanya tulad ng online,” diin ni Jimenez.

Leave a Reply

%d bloggers like this: