πƒπ€π“πˆππ† 𝐏𝐍𝐏 π‚π‡πˆπ„π… π•π„π‘π™πŽπ’π€ 𝐀𝐓 πŸ“ 𝐏𝐀, π†π”πˆπ‹π“π˜ 𝐒𝐀 πŠπ€π’πŽππ† πŠπ€π“πˆπ–π€π‹πˆπ€π

πƒπ€π“πˆππ† 𝐏𝐍𝐏 π‚π‡πˆπ„π… π•π„π‘π™πŽπ’π€ 𝐀𝐓 πŸ“ 𝐏𝐀, π†π”πˆπ‹π“π˜ 𝐒𝐀 πŠπ€π’πŽππ† πŠπ€π“πˆπ–π€π‹πˆπ€π

GUILTY ang naging hatol ng Sandiganbayan kay dating PNP Chief Jesus Verzosa at lima pa nitong dating opisyal dahil sa irregular purchase ng rubber boats at outboard motors na nagkakahalaga ng P131.5 milyon nooong 2009.

Bukod kay Verzosa, hinatulan din ng anim hanggang walong taong pagkabilanggo sina dating PNP Deputy Director General Benjamin Belarmino Jr.; Deputy Director General at bids and awards committee head Jefferson Soriano, na kasalukuyang mayor ng Tuguegarao City; Director at BAC vice-chairman Luizo Ticman; Director at BAC member Romeo Hilomen; at Chief Superintendent at BAC member Villamor Bumanglag.

Pinawalang-sala naman si dating Director Ronald Roderos habang ang kaso kay dating Chief Superintendent Herold Ubalde ay ibinasura dahil sa kanyang pagkamatay.

Ang 88-pahinang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Bernelito Fernandez at kinatigan nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justice Ronald Moreno concurred.

Ang mga rubber boats at outboard motors ay binili sa tatlong suppliers, ang EnviroAire, Inc., Geneve SA Philippines, at Bay Industrial Philippines Corp.

Layun ng mga rubber boats at outboard motors ay magamit sa rescue, relief, at rehabilitation dahil sa pananalasa ng bagyong β€œOndoy” at β€œPepeng”.

Sa desisyon, ipinaliwanag ng Sandiganbayan na walang kakayahan ang mga suppliers na ideliver ang mga rubber boats at outboard motors.

β€œClearly, the procured rubber boats and outboard motors were not compatible with each other and their stability and control were doubtful when operated, resulting in non-compliance with the speed requirement,” diin sa desisyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: