𝐇𝐄𝐑𝐃 πˆπŒπŒπ”ππˆπ“π˜ 𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟐 𝐏𝐀

𝐇𝐄𝐑𝐃 πˆπŒπŒπ”ππˆπ“π˜ 𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟐 𝐏𝐀

Posibleng umabot pa ng Enero ng susunod na taong 2022 ang pag-abot ng Pilipinas sa tinatamasang ‘herd immunity’ laban sa COVID-19 dahil sa hindi pa rin buhos ang suplay ng bakunang dumarating.

β€œSo more or less matatapos mo ng mga November to December. At the most, pwedeng umabot hanggang January. Again, all of these depends on the adequacy of the supply,” ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III.

Matatandaang target ng pamahalaan na makamit ang herd immunity sa bansa sa pamamagitan nang pagbabakuna sa 70% ng populasyon nito bago matapos ang kasalukuyang taon.

Dahil sa hindi sapat ang bakuna, mas target ngayon ng DOH na makamit ang ‘population protection’ kung saan nasa 50%-60% ng populasyon ng mga lugar na nagkakaroon ng surge ang mababakunahan.

Sa kabila nito, malapit na umanong maabot ng Pilipinas ang pagbabakuna ng kalahating milyong tao kada araw matapos na maabot ang 350,000 inoculations per day noong Miyerkules.

β€œAng problema, nag-GCQ (general community quarantine) β€˜yung iba tapos nag-MGCQ (modified GCQ), nagluwagan naman ang pagsunod, nawala ang disiplinadong pagsunod sa minimum public health standards. Ang laban na ito ay nakasalalay sa bawat Pilipino, bawat indibidwal,” dagdag ng kalihim.

Leave a Reply

%d bloggers like this: