Soccer field, theater sa pampublikong paaralan sa Maynila

Soccer field, theater sa pampublikong paaralan sa Maynila

Gagawin umano ni Manila City Mayor Isko Moreno na mala-pribado ang impresyon sa mga pampublikong paaralan sa lungsod sa pagsasaayos at pagdaragdag ng mga pasilidad tulad na lamang ng mga teatro at maging ‘soccer field’.

“Pinaghahandaan natin ang ating mga eskwelahan sa future, in terms of space, number of students versus teacher, facility, and the environment,” ayon kay Moreno sa kaniyang lingguhang Capital Report.

“We will show it to the country, we will show it to the world that these are public schools, mukha nga lang private,” giit niya.

Lahat ng pasilidad na makikita sa mga pribadong eskwelahan ay nais niyang ipalagay sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

“May mga soccer field ito, meron itong theater, audio visual, mga laboratory, computer laboratory library, and of course yung ating kainan. Lahat ng pasilidad ng isang pribadong eskwelahan ipatitikim natin sa mga batang mahihirap na nag-aaral sa pampublikong paaralan,” saad ng alkalde.

Leave a Reply

%d bloggers like this: