๐‡๐š๐ฆ๐จ๐ง ๐ง๐ข ๐ƒ๐ข๐ ๐จ๐ง๐ , ๐ญ๐ข๐งan๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐ข ๐๐š๐œ๐ช๐ฎ๐ข๐š๐จ…     ๐ƒ๐Ž๐‡, ๐๐ˆ๐๐€๐’๐ˆ๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐๐Ž๐’๐ˆ๐๐‹๐„๐๐† ๐Š๐Ž๐‘๐€๐๐’๐˜๐Ž๐

๐‡๐š๐ฆ๐จ๐ง ๐ง๐ข ๐ƒ๐ข๐ ๐จ๐ง๐ , ๐ญ๐ข๐งan๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐ข ๐๐š๐œ๐ช๐ฎ๐ข๐š๐จ… ๐ƒ๐Ž๐‡, ๐๐ˆ๐๐€๐’๐ˆ๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐๐Ž๐’๐ˆ๐๐‹๐„๐๐† ๐Š๐Ž๐‘๐€๐๐’๐˜๐Ž๐

TINANGGAP ni Senador Manny Pacquiao ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan at tukuyin ang mga ahensya at opisyal ng administrasyon na sangkot sa katiwalian.

“Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte. Salamat po at binigyan nyo kami ng pagkakataon na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng mga impormasyon para kampanya kontra korapsyon,” saad ni Pacquiao.

Ipinaalala pa ni Pacquiao na mismong ang Pangulo ang nagpahayag noong October 27,2020 na lalong lumalakas ang korapsyon sa gobyerno.

“In his own words sinabi niya na ‘I will concentrate the last remaining years of my term fighting corruption kasi hanggang ngayon hindi humihina lumalakas pa lalo.’ Mr. President I feel the same way,” diin ni Pacquiao.

Kasabay nito, kinontra ng senador ang pagtawag sa kanya ni Duterte na sinungaling.

“Mawalang galang po mahal na Pangulo, nguniโ€™t hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguniโ€™t dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling,” diin ng senador.

Bilang panimula sa pagtukoy sa mga corrupt na ahensya at opisyal, unang hinamon ni Pacquiao si Health Secretary Francisco Duque III.

“Magsimula tayo sa DOH. Silipin at busisiin natin lahat ng mga binili mula sa rapid test kits, PPE , masks at iba pa. Handa ka ba Sec. Francisco Duque na ipakita ang kabuuan ng iyong ginagastos? Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya?” giit ni Pacquiao.

“Nakakalungkot na sa isyu ng korapsyon kami magtatalo, dahil ang kailangan ng bansa ay mga lider na magtutulungan laban dito,” pagtatapos pa ng senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: