๐๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ๐Š ๐€๐‹๐Ž๐Š ๐๐† ๐๐‡๐ˆ๐‹๐‡๐„๐€๐‹๐“๐‡ ๐Š๐€๐๐€๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐’๐€๐Š๐ˆ๐“ ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐‚๐Ž๐•๐ˆ๐ƒ-๐Ÿ๐Ÿ— ๐•๐€๐‚๐‚๐ˆ๐๐„

Naglabas na ng ‘compensation package’ ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mga indibidwal na makakaranas ng seryosong adverse effects na may kaugnayan sa pagtanggap ng COVID-19 vaccines.

Sa isang media forum ng Department of Health (DOH), nakapaloob sa package ang pagbibigay ng PhilHealth ng P100,000 kompensasyon para sa isang miyembro na makararanas ng seryosong kundisyon sa kalusugan at maoospital makaraang makatanggap ng bakuna na buhat sa pamahalaan.

Para naman sa permanent disability o pagkasawi, makatatanggap ang miyembro o ang kanilang benepisaryo ng lumpsum na aabot sa P100,000 na babayaran ng isang beses lamang.

Sinabi ni PhilHealth Vice Pres. Shirley Domingo na magiging available ang ‘compensation package’ hanggang sa Marso 2, 2026 o hanggang sa makumpleto na ng ating bansa ang COVID-19 vaccination program.

Para maging ‘eligible’ sa pagkuha ng kompensasyon, kailangang masuri muna kung may ‘direct causality’ o may direktang kaugnayan sa bakuna ang pagpapaospital ng isang miyembro.

Leave a Reply

%d bloggers like this: