๐‘๐€๐…๐…๐˜ ๐“๐”๐‹๐…๐Ž ๐‹๐”๐’๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐‹๐ˆ๐๐„๐‹

๐‘๐€๐…๐…๐˜ ๐“๐”๐‹๐…๐Ž ๐‹๐”๐’๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐‹๐ˆ๐๐„๐‹

Pinawalang-sala ng Supreme Court ang brodkaster at kolumnistang na si Raffy Tulfo sa kasong libelo na isinampa ng mga opisyales ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng inilathalang mga katiwalian sa ahensya.

Noong 1999, isinulat ni Tulfo ang isang kolum ukol sa maanomalyang gawain sa BOC partikular ang umano’y extortion activities sa mga brokers at shippers, maging ang bawal na pakikipagrelasyon umano ng isang Atty. Carlos T. So na dahilan ng pagsasampa ng kasong libelo.

Ngunit ayon sa SC, ginawa lamang ni Tulfo ang kaniyang ‘public functions’ bilang bahagi ng karapatan na makapagpahayag at press freedom.

“Public officers are accountable to the people, and must serve them โ€žwith utmost
responsibility, integrity, loyalty, and efficiency, act with patriotism and justice, and lead
modest lives,” ayon sa SC.

โ€Ÿ Speech that guards against abuses of those in public office should beencouraged. Petitioner Tulfo should be acquitted,โ€ dagdag pa nito.

Sa desisyong pinonente ni Justice Marvic Leonen, nabigo umano ang prosekusyon na mapatunayan na may malisya si Tulfo sa kaniyang sinulat.

Sa kabila nito, pinaalalahanan ng SC ang mga mamamahayag na sumunod sa nilalaman ng Philippine Press Institute’s Journalist Code of Ethics at ng Society of Professional Journalists Code of Ethics.

Leave a Reply

%d bloggers like this: