‘𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐈𝐓𝐄𝐒’ 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐘𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐀𝐓 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐈𝐆, 𝐒𝐀𝐑𝐀𝐃𝐎 𝐌𝐔𝐍𝐀

‘𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐈𝐓𝐄𝐒’ 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐘𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐀𝐓 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐈𝐆, 𝐒𝐀𝐑𝐀𝐃𝐎 𝐌𝐔𝐍𝐀

Antay-antay muna ang mga residente ng Taguig at Maynila dahil sa suspendido muna ang ‘vaccination’ bunsod ng hindi pa magamit ang suplay nila ng Sinovac COVID-19 vaccines na wala pang ‘certificate of analysis (COA)’ na inilalabas ng manufacturer ng bakuna.

Sa abiso na inilabas ng pamahalaang lungsod ng Taguig, suspendido muna ang ‘vaccination’ para sa una at ikalawang dose ng Sinovac umpisa nitong Hunyo 28.

“As of 12 noon, June 28, the DOH has yet to authorize the use of the vaccines we currently have in our cold chain facility; thus the need for cancellation of vaccination schedules,” paliwanag ng lokal na pamahalaan.

Kahapon, inihayag rin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa kanila social media pages ang kanselasyon ng ‘vaccination’ gamit ang Sinovac maging ang second dose vaccination gamit ang Sputnik V vaccine.

Sinabi ni Manila Public Information Office head, Julius Leonen na magbabalik ang ‘vaccination’ sa oras na mailabas na ang ‘COA’ para sa 400,000 doses ng Sinovac vaccines na nakaimbak sa kanilang ‘cold storate facilities’ o kaya naman ay kapag may dumating na bagong suplay mula sa nasyunal na pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang COA ay patunay ng manufacturer na may mataas na kalidad ang bakunang kanilang prinodyus.

Leave a Reply

%d bloggers like this: