ππ€πŠπ”ππ€ 𝐁𝐔𝐒𝐄𝐒 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐃 π‚π‘πŽπ’π’, ππˆππˆπ’πˆπ“π€ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡πˆπ‡πˆπ‘π€π

ππ€πŠπ”ππ€ 𝐁𝐔𝐒𝐄𝐒 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐃 π‚π‘πŽπ’π’, ππˆππˆπ’πˆπ“π€ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡πˆπ‡πˆπ‘π€π

Nag-umpisa nang bumiyahe kahapon ang tinaguriang ‘bakuna buses’ ng Philippine Red Cross (PRC) na layong abutin ang mga mahihirap na komunidad at mabakunahan ang mga kabilang sa A5 category group.

Bawat bus ay may sariling ‘cold chain system, mobile refrigerator at vaccine cabinet’ para sa tamang pag-iimbak ng bakuna.

Nabatid rin na dati nang ginamit ang mga bus sa pagbakuna naman sa higit isang milyong bata laban sa polio at measles-rubella.

Unang tinungo ng Bakuna Buses ang mga lungsodd ng Mandaluyong, Marikina at Navotas kahapon. Pero bago pumila at mabakunahan, kailangan pa rin na nakapagparehistro ang tatanggap ng bakuna sa kanilang lokal na pamahalaan.

Inireklamo naman ni PRC Chairman at Senador Richard Gordon ang kakapusan ng suplay ng bakuna na inilalaan sa kanila.

Leave a Reply

%d bloggers like this: