𝐃𝐔𝐐𝐔𝐄 “𝐎𝐏𝐄𝐍” 𝐃𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐈𝐌𝐁𝐄𝐒𝐓𝐈𝐆𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐀𝐊𝐔𝐒𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐑𝐀𝐏𝐒𝐘𝐎𝐍

𝐃𝐔𝐐𝐔𝐄 “𝐎𝐏𝐄𝐍” 𝐃𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐈𝐌𝐁𝐄𝐒𝐓𝐈𝐆𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐀𝐊𝐔𝐒𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐑𝐀𝐏𝐒𝐘𝐎𝐍

Nagpahayag ng kahandaan si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ipakita sa mga mambabatas kung saan nila ginamit ang pondo ng ahensya kasunod ng mga akusasyon ng katiwalian laban sa kanila.

Sinabi ng kalihim na nalulungkot siya sa mga akusasyon ng mga mambabatas. Kinakailangan umano na maayos na ipamahagi ang pondo para patuloy na maipatupad ang Universal Health Care Law habang rumeresponde sila sa COVID-19 pandemic.

“Kung ang tanong ay kung handa kaming ipakita kung saan napunta ang pondo, handang handa po kami. We submit reports to concerned government agencies and even the Senate,” ayon pa kay Duque.

Ipinaliwanag niya na nabanggit na noon ng Department of Finance sa Senate Committee of the Whole hearing na ang inutang na pondo ng pamahalaan ay napupunta sa vaccine manufacturer mula sa funding agency. Hindi umano dumadaan ang pondo sa DOH ang pera mula sa funding agencies.

Matatandaan na kumasa sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na tukuyin ang mga katiwalian sa gobyerno. Unang tinumbok ni Pacquiao ang DOH kung saan pinabubusisi niya ang gastusin sa pagbili ng rapid test kits, PPEs, masks at iba pa.

“Handa ka ba Sec. Francisco Duque na ipakita ang kabuuan ng iyong ginagastos? Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya?,” ayon kay Pacquiao.

Leave a Reply

%d bloggers like this: