𝗗𝗔𝗩𝗔𝗒 π—–π—œπ—§π—¬ π—‘π—¨π— π—•π—˜π—₯ 𝟭 𝗦𝗔 π——π—”π— π—œ π—‘π—š π—”π—©π—˜π—₯π—”π—šπ—˜ π—–π—’π—©π—œπ——-𝟭𝟡 π—–π—”π—¦π—˜π—¦

𝗗𝗔𝗩𝗔𝗒 π—–π—œπ—§π—¬ π—‘π—¨π— π—•π—˜π—₯ 𝟭 𝗦𝗔 π——π—”π— π—œ π—‘π—š π—”π—©π—˜π—₯π—”π—šπ—˜ π—–π—’π—©π—œπ——-𝟭𝟡 π—–π—”π—¦π—˜π—¦

Tinukoy kahapon ng OCTA Research Group ang Davao City bilang nangungunang ‘area of concern’ makaraang makapagtala ng pinakamataas na ‘reproduction rate’ ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Ayon sa OCTA, may pinakamataas na ‘daily COVID-19 average’ ang Davao City na naitala sa 324 mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1. Mas mataas ito ng 43% kumpara sa naunang linggo habang nasa 66% na ang occupancy rate ng kanilang mga hospital beds at 89% naman sa intensive care unit (ICU) beds.

Nakapagtala rin ang Davao City ng reproduction rate na 1.4. Ayon sa OCTA, kapag mas mataas sa 1 ang reproduction rate, nangangahulugan na may nagaganap na ‘sustained transmission’ sa isang lugar.

Bukod sa Davao City, tinukoy rin ng OCTA ang mga lungsod ng Iloilo, Baguio, at San Fernando sa La Union bilang mga ‘areas of concern’.

Tumaas ng 30% ang mga kaso sa Baguio City at ang kanilang healthcare utilization. Mas mataas naman ng 148% ang mga bagong kaso sa San Fernando City mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1 kumpara sa sinundang linggo habang patuloy na mataas rina ng mga kaso sa Iloilo.

Sa Metro Manila, tumaas ng 5% ang mga kaso sa naturang linggo habang nasa 0.82 ang reproduction rate.

Leave a Reply

%d bloggers like this: