π— π—”π—š-π—¦π—˜π—Ÿπ—™π—œπ—˜ 𝗦𝗔 𝗦𝗬π—₯π—œπ—‘π—šπ—˜- 𝗗𝗒𝗛

π— π—”π—š-π—¦π—˜π—Ÿπ—™π—œπ—˜ 𝗦𝗔 𝗦𝗬π—₯π—œπ—‘π—šπ—˜- 𝗗𝗒𝗛

Duda ka ba na tagumpay ang iyong pagpapabakuna?Β  Payo ng Department of Health (DOH), mag-selfie ka sa ginamit na syringe upang makatiyak na naubos ang laman nitong bakuna kontra sa COVID-19.

Isa ito sa praktikal na solusyon na maaaring gawin kontra sa naglalabasan na ulat na palpak na pagbabakuna sa iba’t ibang vaccination sites, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Bukod sa pag-inspeksyon sa hiringgilya, hinikayat rin ni Duque ang publiko na kunan ng video ang aktuwal na pagpapabakuna kung may kasama at kunan ng litrato ang hiringgilya na ginamit.

β€œβ€˜Di ba β€˜pag inineksyunan ka, ayaw mo makita, takot ka. Pero pwede mo namang sabihan β€˜yung nagtuturok sa’yo, β€˜yung nurse, β€˜Kapag natapos nga, pakita mo sa’kin. Kunan ko lang ng picture β€˜yung syringe,’” ayon kay Duque.

Muling iginiit ni Duque na ‘human error’ lamang ang mga pangyayari na hindi naiturok ng maayos ang bakuna. May tatlong video nang naglabasan ukol sa palpak na pagpapa-iniksyon ng ilang indibidwal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: