𝗦𝗨𝗟𝗙𝗨𝗥 𝗗𝗘𝗟𝗜𝗞𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗔𝗟

𝗦𝗨𝗟𝗙𝗨𝗥 𝗗𝗘𝗟𝗜𝗞𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗔𝗟

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na malapit sa nag-aalburuto ngayong bulkang Taal na magsuot ng mga pang-proteksyon upang hindi masinghot ang ‘sulfur dioxide’ na ibinubuga ng bulkan at makakasama sa kalusugan lalo na ng mga may kundisyon sa baga.

Ipinayo ni Health Undersecrerary Maria Rosario Vergeire sa mga residente na magsuot ng N95 masks, goggles at iba pang pang-proteksyon sa mata lalo na ng mga may sakit na asthma, bronchitis, emphysema at iba pa.

“Ang ibinubuga pong sulfur dioxide o kung magbubuga ng abo ang bulkan ay nakakasama sa kung sino mang makakalanghap nito,” ayon kay Vergeire.

“Pinapaalalahanan po ang lahat ng nakatira malapit sa bulkan… na mag ingat at manatiling nakaantabay para sa kung ano mang magiging abiso ng LGU,” dagdag niya.

Nitong Huwebes, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 3 sa bulkang Taal makaraang magbuga ng isang kilometrong taas na “phreatomagmatic” na abo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: