π—–π—’π—©π—œπ—— π—¦π—£π—œπ—žπ—˜ 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬 π—§π—”π—”π—Ÿ, π—£π—’π—¦π—œπ—•π—Ÿπ—˜

π—–π—’π—©π—œπ—— π—¦π—£π—œπ—žπ—˜ 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬 π—§π—”π—”π—Ÿ, π—£π—’π—¦π—œπ—•π—Ÿπ—˜

Nagpahayag ng bahagyang pangamba ang OCTA Research Group sa posibleng pagkakaroon ng ‘spike’ sa mga bagong COVID-19 cases sa mga lugar na malapit sa bulkang Taal lalo na sa mga evacuation areas.

Sinabi ni Prof. Guido David, miyembro ng OCTA, na nakokontrol naman ito ng pamahalaan ngunit kailangan pa ring sumunod ang mga residente sa ipinatutupad na ‘protocols’ ng pamahalaan sa mga evacuation sites.

“After these evacuations are over, usually nagkakaroon ng spike, but it’s something we can manage,” ayon kay David.

Bumagal naman umano ang pagtaas ng mga kaso sa mga ‘areas of concern’ kabilang ang Iloilo City, Davao City at Bacolod City habang nagkaroon ng pagtaas sa ‘hospitalization rate’ sa Baguio City na nasa 70% sa ngayon.

Sa kasalukuyan, nasa 5 ang ‘average daily attack rate (ADAR)’ ng buong Pilipinas. Para ma-klasipiko na ‘low risk’, kailangan na maibaba sa 1 ang ADAR, ayon sa panuntunan ng US Centers for Disease Control and Prevention.

Leave a Reply

%d bloggers like this: